NEWS AROUND SUBIC BAY

Mayor Jay Khonghun sa mga Adik at Pusher: Tutuluyan ko kayo!

Posted 1 month ago


Emosyonal ang naging talumpati ni Subic Town Mayor Jay Khonghun sa kanyang SOMA o State of the Municipality Address nitong Martes ng Hapon sa Subic Central School, Subic Zambales.

Ulat ni Lolito Ramada Go


“Tuloy-tuloy sa pagtulong
Tuloy-tuloy sa pagsulong.”

Sa kanyang talumpati inisa-isa ng Punong Bayan ang kanyang naging accomplishment sa taong 2017 sa larangan ng edukasyon, ekonomiya, agrikultura peace and order, disaster preparedness, anti-drug campaign at iba pa. Inisa-isa nya rin ang mga panukalang proyekto ng kanyang administrasyon tulad ng Convention Center, Subic Medical Hospital, bagong munisipyo, bagong town park, boardwalk at iba pa. Makailang ulit ding napahinto sa kanyang talumpati ang alkalde tuwing kokomentuhan ang mga video testimonials ng kanyang mga natulungang kababayan partikular ang testimonya ng kanyang mga scholars.

Samantala, naging highlight ng kanyang talumpati ang mariing pagkondena nito laban sa ipinagbabawal na gamot. Aniya, tutulungan nilang repormahin ang sinumang handang sumuko at magbago subalit tutuluyan nya umano ang sinumang mahuhuling gumagamit at nagbebenta ng droga sa kanyang nasasakupan.
Ito na ang ikalimang Ulat ng Bayan ni Khonghun makaraang maluklok bilang alkalde sa bayan ng Subic noong 2013.

First Published: Subic Broadcasting Corporation @ Facebook

Loading Comment

Share