NEWS AROUND SUBIC BAY

Mga department head sa SBMA, nanindigan laban kay Diño

Posted 2 months ago


SUBIC BAY—Apat na pu’t apat sa 46 na Department Heads kabilang ang Board Secretary ng SBMA ang pumirma sa isang bukas-na-liham na ipinadala sa tanggapan ni SBMA Chairman Martin Diño, at may lakip na kopya para kina Pangulong Rodrigo Duterte, Senate President Koko Pimentel at Executive Secretary Salvador Medialdea.


ulat ni Lolito Ramada Go

Subic Broadcasting Corporation @ Facebook.


Sa unang bahagi ng anin-na-pahinang apela, binigyang diin ang kahalagahan ng malasakit na anila’y nagdala sa nabanggit na ahensya sa napakarami nitong tagumpay at pagkilala. Kabilang na rito ang pagiging kauna-unahang host ng APEC Summit noong 1996. Ang pagiging Best Freeport Zone ng Financial Times of London noong 2015, ang pagiging Management Team of the Year ng Asia CEO Awards noong 2016. Tinanggap umano si Diño ng kanilang ahensya na tatlong sunod-sunod na taon nang kumokopo ng pinakamataas nitong gross revenue sa kasaysayan.

Paulit-ulit na binigyang diin sa naturang liham ang salitang malasakit. Malasakit na anila’y dahilan kung bakit ikinalulungkot nila ang pag-angkin ni Diño sa mga mandato at kapangyarihang hindi nito saklaw at ang mga walang basehang akusasyon nito tungkol sa mga anumalya at kurapsyon sa Freeport na nagiging sanhi na kalituhan at pagkakahiwa-hiwalay.

Pinayuhan din si Dino na idulog ang kanyang mga hinaing at akusasyon sa mga tamang institusyon katulad ng Board of Directors, Disciplinary Action Committee at ang Internal Audit System sa halip na banatan sa publiko ang mga indibidwal na hindi nabibigyan ng pagkakataong malaman at makatugon sa mga paratang.

“Pinakisamahan namin kayo hanggang sa aming makakaya. Ibinigay namin ang inyong mga hiling sa loob ng pinapayagan ng batas. Nagtiis kami sa mahabang panahon sa mga kaguluhang kayo ang nagsimula at nagpapalaganap. Pilit kaming nagtatrabaho nang matiwasay kahit na binabagabag kami ng mga aksyon nyong gumigiba sa lahat ng aming pinaghirapan, lalo na ang paulit-ulit nyong sinasabi sa media at sa publiko na talamak ang korupsiyon at smuggling sa SBMA at dito sa Subic Bay Freeport Zone. Kayo po ang tinaguriang Ama ng ating institusyon.”

Sa huli hinamon ng mga department heads si Dino na sampahan sila ng kaso kung may basehan ang mga alegasyon nito. Subalit kung patuloy umano si Diño sa malisyosong mga pahayag nito sa media laban sa ahensya, wala na raw umano silang magagawa kundi ang manindigan laban sa Chairman.

Tanging sina Senior Deputy Administrator for Business Development Stefani Saño at Business & Investment Department for Logistics manager Raymund Gil Siongco ang hindi nakapirma sa naturang liham. Inaalam pa rin ng SBC News ang dahilan kung bakit wala ang mga pirma nina Saño at Siongco sa naturang dokumento.

Sa ngayo’y sinusubukan naman ng SBC News na hingin ang panig ni Diño tungkol sa hakbang na ito laban sa kanya.

Transcript of the Letter to Chairman Diño

July 25, 2017

Dear Chairman Diño,

The women and men of SBMA welcomed you with open arms when you were appointed as SBMA Chairman in October 2016. We made no pre-judgment, only hope and unconditional support for your leadership. We paid no heed to the naysayers who criticized your credentials, despite the fact that this Agency has been governed by great men in the molds of its previous Chairmen: Senator Richard J. Gordon; three-term Congressman, Felicito C. Payumo; former Ayala Land Inc. President and CEO, Francisco H. Licuanan III; Retired Commodore Feliciano G. Salonga; and former President of Ramcar Technologies Inc., Roberto V. Garcia – all of whom were highly qualified, accomplished and distinguished in their own fields, However, more than professional qualification, business experience and educational attainment, we held one value above all – Malasakit

Malasakit was our core value that drove us to numerous accomplishments — from our foundation 25 years ago on the strength and spirit of volunteerism as the first Freeport of the country, to being the country’s pride and hope, chosen as the host of the first and most iconic APEC Summit in November 1996, and more recently recognized as the Best Freeport Zone of 2015 by the Financial Times of London and the 2016 Management Team of the Year by the Asia CEO Awards, You were welcomed and embraced by an agency that for three consecutive years achieved the highest gross revenues ever in its history, was in the top 15 of all GOCC’s in terms of dividends to the National Government, and had a workforce that was motivated and inspired.

Malasakit is instilled in the hearts of all the individuals who gave and who continue to give their time, talent, love, and even life for this Agency. It is going the extra mile, it is excellence and integrity, it is putting SBMA above each individual’s interest.

Malasakit is also the reason why we are deeply saddened by your actions and how you have conducted yourself as our Chairman. Instead of uniting us, you sowed disunity and divisiveness in the SBMA by arrogating powers that are not yours, using threat and intimidation, and in the process alienating the Board of Directors, Management, and the Rank and File. Instead of defending our Agency as our leader, you have been, from your first days of office, the one person who has most cast aspersion against SBMA through the media, in pursuit of your self-styled image as a graft buster, and at the expense of your very own people.

You have publicly accused half of this Agency’s officers of malversation, gave misconduct, serious dishonesty and grave abuse of authority, informing the media first without giving those concerned their right to know the bases before the bar of public opinion and perception.

As the SBMA Chairman, we believe that you should be foremost in entrusting your concerns against any individual of the Agency to our institutional mechanism. We have the Board of Directors, the Disciplinary Action Committee and the Internal Audit Service to look into all issues first prior to bringing it outside of the institution, not only for the reasons of basic due process for every individual, but also to protect the SBMA against those whose motives are not pure, whose claims are unjust, and whose agenda is personal and selfish.

We respect your right to file cases before the Ombudsman, but when you do this purely as you personal metric of success and performance, you achieve nothing but negative publicity of our Agency, harassment, and seriously distract us from performing our task to the prejudice of the public whom we serve. Still, we are ready to face your accusations in the proper forum and the proper time as we have nothing to fear and nothing to hide.

Mr. Chairman , wala na po kayo sigurong masasabi sa amin. Pinakisamahan namin kayo ng hanggang aming makakaya. Ibinigay namin ang iyong mga hiling sa loob ng pinapayagan ng batas.
Nagtiis kami sa mahabang panahon sa mga kaguluhang kayo ang nagsimyla at nagpalaganap. Pilit kaming nagtatrabaho ng matiwasay kahit na binabagabag kami ng mga aksyon nyong gumigiba sa lahat ng aming pinaghirapan, lalo na ang paulit-ulit nyong sinasabi sa media at sa publiko na talamak ang korupsiyon at smuggling sa SBMA at dito sa Subic Bay Freeport Zone. Kayo pa na tinaguriang Ama ng ating institusyon.

In our minds, you filed these cases in the Office of the Ombudsman hoping to justify to the public and to Malacañang your perceived relevance to stay on as the SBMA Chairman. Our ideal of a SBMA Chairman is akin to a loving, responsible and diligent father of a family, one who unifies, protects and inspires. To our dismay, and with all due respect, we have found none of these in you.

Nasaan po ang inyong malasakit? You do not share with us the core values that hold our institution together. While we will always give you the respect due your office, we struggle to give the same respect to your person.

Mr. Chairman, we want to work peacefully and harmoniously with you, this much we owe to the thousands of volunteers on whose blood, sweat and tears the SBMA was built, to our locators who put their faith in us by investing in Subic Bay, and to the Agency we faithfully serve. As such we appeal that you please stop making false, unfounded and whimsical allegations as well as malicious insinuations. If there is real basis to charge any of us, we will willingly submit ourselves to the rule of law, but to continuously malign us and our Agency in media without the benefit of defending ourselves leaves us no choice but to stand up at manindigan.

Our stakeholders have suffered enough from the disputes and conflicts that beset us, let us work for them and make their lives better by working together.

Cc: Hon. Rodrigo Roa Duterte
President of the Republic of the Philippines

Hon. Aquilino Pimentel III
Senate President

Hon. Salvador Medialdea
Executive Secretary

First Published: Subic Broadcasting Corporation @ Facebook

Loading Comment

Related Content

Other News

View all news
Share